|
Somewhere in the Middle
Dati (nasa Pilipinas pa ako), sinabi ko kay Alan, "Wala akong masyadong magawa. Nakaka-bore." Ang suggestion niya, "Bakit di mo subukang mag-tenga ng isang kanta?" Sinabi ko, yun ang kaya niyang gawin, hindi ito para sa akin. Di ko talaga ito hilig at di ako katulad niya, na sadyang magaling ang tenga sa pakikinig sa musika. Kaya rin naman, di lang ako ganoon ka-sipag gawin ito.
Pagdating naman dito sa States, sabi ng nanay ko, "Bakit di ka tumugtog ng piano?" Oo nga naman, matagal nang hindi nagagalaw ang piano namin dito sa bahay. Maganda ang tunog nito, at madali rin tumugtog. Malambot kasi ang keys. Pero isip ko naman, di rin ako katulad niya na magaling mag-sight read. Hindi ito para sa akin.
Pero ngayon, dahil nandito lang ako sa bahay, inisip ko na sige, tutugtog na lang ako ng piano, kahit konti lang. Natuwa naman akong nakakabasa ako ng nota, hindi kasing bilis ng ibang tao, pero kaya ko pa naman. At napansin kong nakakatulong sa akin pag-alam ko na ang tono. Mas bumibilis ang pagbasa ko. Hindi talaga ako para sa pagtugtog ng instruments. haha! Makakayanan ko naman parehong mag-sight read at makinig, mabagal nga lang. O kaya sanayan lang ulit, parang sa ballet. Di nga lang ako masyadong passionate sa musika.
******
Naalala ko yung mga pianist sa mga ballet class dito. Mayroong iba sa kanila na kayang impromptu lang, on the spot, tulad ng piano teacher ko. Mayroon ding iba na kailangan ng piece para tumugtog. Magaling din. Pero na-realize ko na minsan, okay lang sa kanila na kahit na anong tugtugin, basta kuha nila ang accent at rhythm na hinihingi ng dance teacher. Kapag sumasayaw na kami, di na importante masyado ang tono. Nakikinig naman kami, para sa timing, pero siguro mas iniintindi lang namin ang technique namin.
Natuwa lang ako ngayon. Tumugtog ako ulit. Di nga lang ganoon kagandahan, pero tumugtog pa rin. ^_^
|
0 Comments:
Post a Comment
<< Home